45

Nov 26, 2021 @ 16:21
By

Tunay na ‘Sister Stella L’ pumanaw

Yumao na ang madre na naging inspirasyon sa sikat na pelikulang “Sister Stella L.” na ginampanan ni Vilma Santos noong 1984.

Ayon sa Religious of the Good Shepherd Philippines-Japan, mapayapang namatay sa edad na 78 si Sr. Mary Rosario “Chayong” Battung sa Maria Droste Wellness Center sa Quezon City kahapon, November 25.

Hindi binanggit ang dahilan ng kanyang kamatayan.

“Throughout her ministries, she has always preferred to be among the urban and rural poor, the neglected, and with those who have been deprived of their basic human rights,” saad ng international congregation sa Facebook post.

“In popular culture, the 1984 film “Sr. Stella L.” was based on her life but she herself would say the film is about activist nuns in general. She was also active in fostering the understanding and development of feminism in the Philippines,” dagdag pa nito.

Naulila ni Battung ang kapatid na si Sr. Angela B. Battung.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?