123

By

Tunay na relasyon kay Arjo, sinagot ni Maine

Sharing is caring!

Napasagot na ang sikat na TV personality na si Maine Mendoza ukol sa ugong-ugong na may something sa kanila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Nagpaunlak ng panayam si Maine sa presscon para sa kanilang Metro Manila Film Fest entry na Jack Em Poy (The Puliscredibles) sa media para sagutin ang mga katangungan ukol sa estado ng kanyang puso.

Unang naitanong kay Maine kung bakit ito blooming these days, sagot ng Kapuso actress ay “Siguro, masaya ako.”

Naintriga rin si Maine ukol sa kanyang madalas na pagsama kay Arjo sa ilang mga concert at bar.

“Friends kami,” sagot ni Maine. “Hindi, friends kami. We’re going out as friends,” dagdag pa ng aktres ng maitanong kung nililigawan siya ni Arjo.

Ngunit medyo iwas pa rin si Maine sa pagsagot tungkol kay Arjo nang maitanong kung kumusta si Arjo ngayon.

“Okay naman siya. Tanungin niyo siya,” tugon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?