21
Harry-Roque
By

Tunay na kapangyarihan ng isang lider, nasa mga tao – Palasyo

Sharing is caring!

Sa mga Filipino nanggaling ang tunay na kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos mapabilang si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pang-69 sa puwesto sa mga pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo ngayong 2018, batay sa Forbes Magazine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, makailang beses nang kinilala at sinabi ng Pangulo na ang tunay na kapangyarihan ng gobyerno ay mula sa mamamayan.

Sa kanyang dalawang taon aniya bilang Presidente ay ipinakita ni Pangulong Duterte ang katapatan sa pagsisilbi sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagsusulong sa interes ng sambayanan at sa bansa.

“President Rodrigo Roa Duterte has many times acknowledged that the true source of power is the people.

“As Chief Executive for almost two years, he has faithfully served our people by promoting the interests of the Filipino people and the Filipino nation first,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na ang ginagawang anti-drug war, independent foreign policy at mga pangmahihirap na polisiya ng administrasyon ay ilan lamang sa mga ginagawang hakbang ng Pangulo para maisulong ang kapakanan ng nakararaming Filipino.

“The anti-drug war, the pursuit of an independent foreign policy, the pro-poor policies and programs of the Duterte administration among others are reflective of the current government’s advancing the welfare of the greatest number of our countrymen,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na sa paniwala ng Pangulo, ang tunay na kapangyarihan sa pagka-presidente ay nagsisimula at nagtatapos sa tiwala ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?