10

Sep 20, 2020 @ 11:17
By

Tunay na internet speed ilantad! Mga internet provider peke marketing – solon

Hinikayat ni House Committee on Information and Communications Technology vice chair Joy Myra Tambunting ang mga internet service provider sa Pilipinas na isapubliko ang tunay na internet speed na maiaalok nila sa mga customer.

Sinabi ito ni Tambunting, na siya ring tumatayong Parañaque City Representative, ngayong dumarami ang reklamo ng madla sa internet connectivity lalo’t marami nang nag-aaral at nagtatrabaho online sa kani-kanilang mga bahay.

“Ang mga internet providers, dapat sinasabi naman nila talaga ang totoo. Nagsabi naman nang totoo ang ating secretary that we are only receiving this number of Mbps (megabits per second),” sabi ng mambabatas sa dzBB interview ngayong araw.

“Ang mga internet providers, masyado ang marketing nila. Hindi naman totoo ‘yung mga sinasabi nila doon sa marketing nila dahil the truth is, at tama rin ang sinasabi ng Secretary ng DICT, the infrastructure that we have for our Internet cannot provide us the Internet that providers say that they have,” aniya pa.

Tinutukoy ni Tambunting ang pahayag ni Department of Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan na nasa 3 hanggang 7 Mbps lang ang average internet speed sa bansa.

“Kailangan mag-improve talaga ng infrastructure ang mga Internet providers. Kailangan talaga nila invest-an ng pera, maglagay sila ng logistics. Talagang kailangan nilang mag-build underground,” ayon pa sa Parañaque Rep..

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?