7,446

By

Tunay na ama ng bunso ni Marjorie, inungkat ni Gretchen

Lalong lumala ang nangyaring gulo sa magkakapatid na Barretto na nagsimula sa burol ng kanilang ama noong Huwebes.

Kanya-kanyang patutsadahan sina Marjorie, Gretchen at Claudine sa social media.

Ilang oras matapos batikusin ni Marjorie si Gretchen at umano’y “powerful” boyfriend nito, hindi nagpatalo si Greta at may pambara sa una.

Sa post ni Marjorie, sinabi niyang nagpapakalat ng fake news ang mga kapatid niya na nagkaroon sila ng sakitan sa burol ng kanilang ama at sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Marjorie na ilalantad niya ang “the truth” pagkatapos ma-cremate ng kanilang ama.

Bilang reply nag-upload ng videos si Gretchen para ipakita na hindi sila ang lumikha ng komosyon.

Binara rin nito si Marjorie, na sasabihin na rin ba nito kung sino ang tatay ng kanyang bunso?

“Will she also admit to all who the father of her last child (is) after denying for many years?,” sabi ni Gretchen sa kanyang Instagram Story.

Batay sa Wikipedia, anak ni Marjorie ang youngest daughter niyang si Erich kay dating Caloocan Mayor Enrico Echiverri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?