52

May 14, 2020 @ 19:31

Tumulong na, hinuli pa! Pinsan ni JV Ejercito, arestado sa pamimigay ng bangus

Matapos ang insidente ng pag-aresto kay dating Senador Jinggoy Estrada matapos mamigay ng bangus, isa pang kamag-anak nila ang hinuli habang tumutulong.

Sa tweet ni dating Senador JV Ejercito, inaresto umano ang kanyang pinsan na si Jana Ejercito, konsehal sa San Juan City, habang namimigay ng isdang bangus sa mga residente.

Saad ni JV, hindi nito maintindihan ang paghuli kay Jana dahil siguradong napatupad ang social distancing dahil house to house ang pamimigay nito ng ayuda.

“They were giving the milkfish house to house, so there was no crowd,” saad ni Ejercito.

“Dito sa San Juan ang utos pag galing sa kalaban bawal. This is a Pandemic, every help should be welcome,” giit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?