9

Sep 28, 2020 @ 19:11
By

Tumestigo sa hearing nagpositibo sa COVID

Isinailalim sa lockdown ang Cebu City Hall of Justice matapos isang testigo sa pagdinig ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat, isang law enforcer na tumestigo sa court hearing ang nagpositibo.

Tumestigo siya sa isang kasong kriminal noong September 21 at 22.

Sabi ni Cebu City Regional Trial Court Executive Judge Macaundas Hadjirasul, simula ngayong araw, Sept. 28, isinara ang Cebu City Hall of Justice hanggang bukas para sa disinfection.

Magpapatupad muna ng work from home sa hall of justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?