88

Nov 28, 2021 @ 9:02
By

Tumatakbong konsehal dedo sa pamamaril sa Pampanga

Patay ang isang kandidato sa pagka-konsehal at pamangkin nito matapos pagbabarilin sa Pampanga nitong Sabado.

Kinilala ang mga biktima na si Rogelio Salvador, 42, dating kapitan ng Barangay Concepcion at kakandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng San Simon; at si Joel Salvador, pamangkin ng kandidato.

Ayon sa pulisya, bumabyahe ang mga biktima sakay ng SUV sa kahabaan ng San Simon-Baliwag Road sa Barangay San Miguel nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng mga hindi pa nakikilalang gunmen.

Dagdag pa ng awtoridad, nasawi rin ang driver ng sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay. Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa nasabing insidente. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?