22
preso
By

Tumangging magpasindi ng yosi, lalaki pinagsasaksak sa Paco

Sharing is caring!

Dahil lamang sa hindi pumayag na magpasindi ng sigarilyo sa lighter ay sinaksak ng isang lalaki ang isa pang lalaki sa Zamora St., Brgy. 826, Paco, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni Police Supt. Aquino Olivar ng Pandacan Police Station ng Manila Police District, nilapitan ng suspek na si Renefer Adobe alyas “Lolong”, 40-anyos, ang biktima na si Melvin Rempis, 42, para makisindi.

Pero tumanggi ang biktima sa hiling ng suspek sabay sabing “wala siyang lighter”.

Saglit na umalis ang suspek na si alyas Lolong at pagbalik ay may dala na itong patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Tama sa leeg at kaliwang bahagi ng kanyang katawan ang timano ng biktima na agad namang isinugod sa Manila Medical Hospital para lapatan ng lunas at kasalukuyang nagpapagaling.

Sa follow-up operation ng mga pulis ay kusang isinuko ng suspek ang kanyang sarili sa mga awtoridad.

Kasong frustrated homicide ang kahaharapin ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?