386

By

Tumanggi sa ‘extra service’, kelot sinapak ng masahista

Sharing is caring!

Dahil sa pagtanggi sa umano’y inaalok na ‘extra service’, sinapak ng masahista ang kaniyang lalaking kostumer na isang sales representative sa Quezon City.

Ayon kay Anonas Police Station (PS-9) na pinamumunuan ni PSupt Cipriano Galanida, nagreklamo sa kanila ang isang lalaking kostumer na itinago sa pangalang Manny, na nagpamasahe umano sa Armor Green Spa na matatagpuan sa Kamias Road sa Quezon City.

Aniya, makalipas ang sampung minutong pagmamasahe ng lalaking masahista ay kinausap umano siya nito kung nais niya ang ‘extra service’ subalit tinanggihan umano niya ito.

Dahil dito ay tila nagalit umano ang di-pinangalanang masahista at itinigil ang pagmamasahe sa kanya saka nambugbog kaya nagtamo ng malalalim na bukol sa ulo.

Mahigpit namang pinabulaanan ng mga nangangasiwa ng Spa na nag-aalok sila ng ‘extra service’ at anila’y palusot lamang ito ng sales agent at kaya ito nabugbog ay dahil sa pagtanggi na bayaran ang P250 kada oras na sinisingil nila sa pagpapamasahe nito.

Alibi naman ni Manny, kaya ayaw niyang bayaran ang kabuuang P250 ay dahil 10 minuto lamang siya minasahe ng masahista at inihinto nang tanggihan niya ang umanoy alok na extra service.

Sa himpilan ng pulisya ay nagka-aregluhan naman ang magkabilang panig at sinagot na lamang ng naturang spa ang pagpapagamot ng kanilang kliyente sa tinamong bukol nito sa ulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?