49

Feb 24, 2020 @ 21:22
By

Tumagal ng 8 oras! Lolo record holder sa ‘planking’

Nasungkit ng isang 62-anyos na lalaki ang Guinness World Record para sa may pinakamatagal na oras na nag-planking.

Noong Pebrero 15, nag-planking ng walong oras, 15 minuto at 15 segundo si George Hood, dating US Marine, ayon sa CNN.

Kinumpirma ng Guinness World Records ang bagong record niya para sa male category.

Inagaw ni Hood ang record ng Chinese na si Mao Weidong na walong oras, isang minuto at isang segundo.

Sa kalukuyan ay hawak naman ni Dana Glowacka, mula sa Canada, ang female record.

Nakapag-plank si Glowacka ng apat na oras, 19 minuto at 55 segundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?