9

May 1, 2021 @ 15:05

Tumabla kay Bird! Tatum binuhos 60 points sa comeback win vs Spurs

Nakaukit na sa kasaysayan ng Boston Celtics si Jayson Tatum matapos nitong akayin ang koponan sa 143-140 win kontra San Antonio Spurs.

Tambak ang Celtics ng 32 points kontra Spurs. ngunit himalang umahon ang Boston dahil sa pagbubuhat ni Tatum.

Kumamada ng 60 points ang 23-year old forward, na tabla sa franchise record na itinakda ni Larry Bird noon pang 1985.


Bukod pa dito, si Tatum din ang ikalawang pinakabatang NBA player na umiskor ng 60 points, kasunod lamang ni Phoenix Suns star Devin Booker.

Sa nasabing laban, muntik pang maggiba ni Tatum ang record ni Bird nang hindi bigyan ng continuation ang tira nitong pumasok ngunit tinawagan ng foul.

Akyat naman ang record ng Celtics sa 34-30, sixth place sa Eastern Conference standings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?