19

Mar 26, 2021 @ 16:03
By

Tumaba sa bakasyon! Chris Ross muling nagpabatak

Pinakita ni Chris Ross na posibleng magpa-macho sa loob lamang ng lampas isang buwan.

Sa Instagram post ni Ross, pinakita niya ang katawan niya noong February 10, kung saan makikita na nadagdagan ang kanyang timbang.

Ngunit anim na linggo lang ang nakalipas ay may instant transformation agad na naganap dahil muling sumilip ang abs ni Ross nitong March 26.

“I’ve been working non stop since Feb 10. No days off. Sometimes doing 4 workouts a day. Testing my mental capacity and pushing my body to the limits,” ayon kay Ross.

Aniya, mas kondisyon ang kanyang katawan ngayon buhat nang manalo ng Best Player of the Conference award noong 2017 PBA Commissioner’s Cup.

“I actually told myself right after Christmas that when I got my body healthy I was gonna work as hard as I’ve ever worked. So here I am 6 weeks into my transformation,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?