130

Apr 27, 2020 @ 15:18
By

Tumaba, lumaki muscles! Winwyn sumagot sa basher

Hindi makapapayag si Winwyn Marquez na kutyain ang kanyang pangangatawan sa social media.

Sa isang comment sa Instagram ay pinuna ni @si_bebe_ni ang katawan ni Winwyn dahil lumaki umano ang mga muscles nito at tumaba.

“Tumaba ka, ang lalaki ng mga muscles. Maganda ‘yong katawan mo dati ‘yong nanalo ka as [beauty queen],” sey ng basher.

Tugon naman ng nanalong 2017 Reina Hispanoamericana: “Well I like my muscles and if mataba yan for you search mo words na fit and healthy sa Google.”

“I don’t need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati,” giit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?