124

Dec 23, 2017 @ 11:45
By

Tulungan ang mga nangangailangan ngayong Pasko – Duterte

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasaya ng sambayanan sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo.

Sa kanyang christmas message, sinabi ng Pangulo na sana ay maging instrumento ang bawat isa para magkaroon ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipinong higit na nangangailangan.

Hangad ng Pangulo na magkaisa ang mga Pilipino at isapuso ang tunay na kahulugan ng pagsilang ni Kristo.

“Sa gitna ng ating pagdiriwang at kasiyahan, nawa ay maging kasangkapan tayo sa pagpapabuti ng buhay ng ating mga kababayang higit na nangangailangan,”ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

Hangad ng Presidente na maging lubos ang kasiyahan ng sambayanan sa piling ng pamilya at mga kamag-anak at gawin ang mga nakaugalian sa panahon ng kapaskuhan gaya ng pamimigay ng regalo at masarap na handaan sa bawat tahanan.

Ang Pangulo ay magdiriwang ng pasko sa kanyang tahanan sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?