356

May 25, 2019 @ 20:07
By

Tuloy sa trabaho! Comelec pokus naman sa 2020 barangay polls

Matapos ang midterm elections, naghahanda naman ngayon ang Commission on Elections (Comelec) para sa barangay elections sa susunod na taon.

“We’re doing already the planning for the barangay elections. Which means tuloy-tuloy lang ang trabaho,” ani Comelec Spokesman James Jimenez.

Dagdag pa ni Jimenez, hindi na pwedeng gamitin ng Comelec ang mga materyales gaya ng ballot boxes, ballots at marking pens na ginamit noong midterm polls dahil iba ito sa gagamitin sa barangay elections.

Anang Comelec spokesman, maaga silang nagsimula ng preparasyon dahil nakatakdang magretiro sina Commissioners Luie Tito Guia at Al Parreno sa election commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?