50

Oct 4, 2021 @ 18:26
By

Tuloy sa pagka-pangulo? Sara Duterte kinansela medical leave

Kinansela ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang medical leave of absence na nakatakda sa October 5 hanggang October 8, mga huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Sa panayam sa radyo, sinabi niyang hindi na matutuloy ang kanyang medical leave of absence matapos magpositibo sa coronavirus ang kasama niya sana sa pagbiyahe sa Singapore.

Noong Abril nagpunta sa Singapore ang alkalde at nanatili roon ng limang araw para aniya sa “personal health management”.

Pangalawa raw iyon sa apat na naka-schedule na pagbisita niya sa naturang bansa.

Ang pagkansela ni Mayor Duterte ng kanyang medical leave of absence ay ilang araw makalipas ibunyag ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya sa pagka-presidente ka-tandem si Senador Bong Go, na naghain na ng COC para sa vice presidential bid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?