20
delfin-lorenzana
By

Tuloy ang pagtugis sa mga NPA ngayong Kapaskuhan – DND

Sharing is caring!

Hindi irerekomenda ng Department of National Defense kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Suspension of Military Operation o SOMO sa pagitan ng New Peoples Army ngayong Christmas season.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahit tradisyunal na ang pagpapatupad ng SOMO tuwing Christmas season, sa pagkakataong ito, hindi na nila ito susundin pa.

“No I will not, I will not because there have been, there was an order by their commanders to intensify operations against us, so kung mag-SOMO kami and we will stand down when they will attack us again”sinabi ni Lorenzana.

Paliwanag pa ng kalihim, una na kasing inutos ng mga commander ng NPA sa kanyang mga tauhan na mas paigtingin pa ang operasyon laban sa tropa ng pamahalaan.

Kaya naman kung magpapatupad aniya sila ng SOMO ay tiyak na mapapahamak ang kanilang tropa.

Dagdag pa ni Lorenzana magbabago lamang ang kanyang desisyon kung gagawa ng hakbang ang CPP-NPA-NPA na makakahikayat sa kanya para bawiin ang kanyang desisyon.

Nagpapatuloy naman ngayon ang focused military operation laban sa NPA matapos pormal ng tapusin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peacetalks sa CCP-NPA-NDF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?