By

Tuloy ang pagtugis sa mga NPA – DND

Sharing is caring!

Ipagpapatuloy lamang ng Deparment of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang kanilang ginagawang pursuit operation laban sa New Peoples Army.

Ang hakbang na ito ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong ay bilang sagot sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magdedeklara ng ceasefire ang pamahalaan sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army ngayong Christmas season.

Sa ngayon, nanawagan ng pamunuan ng DND sa mga miyembro ng NPA na sumuko na lamang upang makapamuhay ng normal.

“In keeping with the President’s guidance, the DND and AFP will continue to vigorously pursue operations against their armed components” sinabi ni Andolong.

Sa panig ng Philippine National Police, susunod lamang daw sila sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magdedeklara pa ang pamahalaan ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong Christmas season.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, sa ngayon gagawa sila ng kinakailangang guidelines para masunod ng maayos ang direktiba ng pangulo.

“We will follow the order of the commander-in-chief, the chief executive, and the President. So we will make the necessary guidelines to implement the given announcement or directive” sinabi ni Carlos.

Aniya, sa ngayon mananatili aniya ang kanilang focus na panatiliin ang peace and order sa buong bansa.

Una nang sinabi ng Duterte na itinuturing niya na terorista ang mga miyembro ng NPA. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?