225

Jun 19, 2020 @ 14:19
By

Tulong pinansyal pinagkaloob sa mga taga-District 4 sa Nueva Ecija

Tuloy-tuloy na ayuda ang ipinagkakaloob sa mga nangangailangang residente ng ika-4 na distrito ng Nueva Ecija na itinataguyod ng kinatawang si Dra. Maricel Natividad-Nagaño.

Sa pamamagitan ng programang Expanded Assistance to Individuals in Crisis Situation ay nasa ikatlong wave na ang nabibiyayaang mga residente sa muling pagkakaloob ng tulong sa araw na ito ng kapanganakan ng pambansang bayani Gat Jose Rizal.

Ayon kay Johnny Diozon aabot na sa 400 indibidwal ang napagkalooban ng tulong pinansiyal mula P3,000- P10,000 na pawang salat sa buhay at karaniwang mga nangangailangan ng pambili ng gamot o mga kalalabas ng mga ospital.

Bilang isang doktorang mambabatas ay batid ni Rep. Nagaño na “health is wealth” kaya’t ito ang isa sa sentro ng paglilingkod sa 4th district ng Nueva Ecija sa gitna ng krisis dulot ng pandemyang COVID 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?