93

Oct 28, 2017 @ 11:14

Tulong para sa rehabilitasyon ng Marawi, bumubuhos

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng transparency ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ito’y sa kabila ng pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang mga bansa para sa naturang lungsod.

Sa himpilang Radyo Singko, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla, maliban sa China, Korea, Germany, India, Canada, Singapore at Thailand, nagparating na rin ng ayuda ang ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Assistance at United States Agency for International Development.

Sa pinakahuling tala ng Office of the Civil Defense, nangako rin ng tulong ang mga bansang Japan, Estados Unidos, Australia, United Nations Development Program, Asian Development Bank at World Bank.

Nangako rin ng tulong ang European Union (EU) sa kabila ng maaanghang na salita ng Pangulo laban dito.

Inatasan naman ng Punong Ehekutibo ang National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) na maglatag ng panu

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?