864

Dec 30, 2017 @ 18:52

Tulong ng Partas sa mga namatayan sa La Union road tragedy, pinatigil

Tigil muna sa pagbibigay ng tulong ang kompanya ng bus na Partas sa mga kaanak ng mga biktima ng salpukan ng bus nito at isang jeep sa Agoo, La Union noong Pasko na ikinamatay ng 20 katao.

Sa ulat ng DZMM, sinabi ng chairman ng Partas na si Chavit Singson na nakapagbigay na sila ng inisyal na tulong pero pinahinto ng kanilang abogado dahil sa idinemanda ang kompanya nila.

Kamakailan lang ay sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pitong bus ng Partas Bus Company matapos ang banggaan ng bus at jeep.

Ikinalungkot naman ng isang namatayan ang pagpapalaya pansamantala sa driver ng bus na si Rodel Sadac, hinintay na lang muna sana na makalabas ang pasyente sa ospital para naikuwento ang buong pangyayari at maparusahan ang dapat parusahan.

Hindi naman matanggap ng iba pang kaanak ng mga namatay sa banggaan ang pagpapalaya sa drayber, dapat umano ay pagbayaran nito ang nangyari.

Samantala, itinakda umano ng LTFRB ang pagdinig dito sa Enero 10.

Ayon pa sa ulat, nakatakdang ilibing ang mga namatay na biktima sa Enero 5 sa Bauang South Public Cemetery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?