102

Mar 10, 2018 @ 19:20

Tulong ng China sa Pinas, walang kapalit – Chinese Foreign Ministry

Itinanggi ng pamahalan ng China na hinihingi nito bilang collateral ang mga likas na yaman ng Pilipinas kapalit ng mga loan agreements na ipinasok sa bansa.

Iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na walang kapalit ang ipinagkaloob na tulong sa Pilipinas at hindi kailanman humihingi ng panggarantiya ang China sa anumang bansa.

Una nang lumabas mismo sa pahayagan sa China na Global Times na ang mga utang ng ibang mga bansa ay may kaukulang katapat na natural resources.

Nilinaw din ng opisyal na hindi makakaapekto ang iringan sa South China Sea sa economic and trade cooperation projects sa pagitan ng Pilipinas at China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?