77

Feb 4, 2020 @ 10:13
By

Tulog na pulso ni Harden, pumupuyat kay D’Antoni

Ilang gabi ding hindi napagtutulog si Houston Rockets coach Mike D’Antoni dahil nawawala ang shooting ni James Harden.

Napupuyat siya sa kaiisip ng gagawin para mapunan ang anemic na opensa ng kanyang kamador.

Linggo ng gabi, bumalik ang pulso ni Harden at nakahinga ng maluwag si D’Antoni.

“I can go home and go to bed now,” anang coach. “Before I wouldn’t be sleeping much.”

Nagsalansan si Harden ng 40 points, 10 rebounds at kinapos ng isang assist para kumpletuhin ang triple-double nang pangunahan ang Rockets sa 117-109 win laban sa New Orleans Pelicans.

Naputol ang three-game wiining streak ng Pelicans sa kabila ng 21 points at 10 rebounds ni rookie sensation Zion Williamson.

Ibinuhos ni Harden ang 26 points niya sa first half bago bahagyang nanlamig sa second half. Nailista pa ang pangalawang sunod na 30-point game o higit pa matapos ang apat na sunod na larong hindi umabot ng 30.

Nag-ambag ng tig-22 points sina Russell Westbrook at Ben McLemore para sa Houston.

May 28 points at 12 rebounds si Brandon Ingram sa New Orleans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?