289

By

Tulog na pasahero, naputulan ng braso sa bus

Sharing is caring!

Nagising matapos na umaringking sa sakit ang isang pasahero na nakatulog matapos na maputol ang kanang braso na nakalaylay sa sinasakyang bus na ginitgit ng isa pang pampasaherong bus sa Edsa, Kamuning, Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Daniel Malapit Morcoso, 29, nakatirira sa San Jose Del Monte City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa South bound lane ng Edsa sa tapat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10.

Ayon sa report, nakasakay sa bandang likod o huli ng upuan ng Mayamy Bus (UWJ 668) ang biktima nang mahagip ang nakalaylay niyang braso ng kasabay ng Kellen bus (UVX-682).

Mabilis namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima na ngayon ay pinipilit idugtong ang kanyang braso.

Naka-impound na ang dalawang bus at iniimbestigahan na ng QCPD Traffic Sector 4 ang naganap na aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?