1,509

Oct 4, 2021 @ 16:37
By

Tulfo siniwalat dahilan ng pagtakbong senador: ‘Hindi na nila ako dededmahin’

Siniwalat ni Raffy Tulfo ang dahilan ng pagtakbo niyang senador sa 2022 elections.

Sa showbiz update vlog, sinabi ni Ogie Diaz na nakausap niya ang kilalang broadcaster tungkol sa pagsabak nito sa politika.

Matatandaang naghain na si Tulfo ng certificate of candidacy noong October 2 para sa pagtakbong independent senator.

Kuwento ni Ogie, sinabi raw sa kanya ni Tulfo na kung magiging senador ito ay hindi na siya puwedeng dedmahin ng mga government official at gabinete, at mas malalapitan ang mga ito sa reklamo ng taumbayan.

“Ako ha, nakausap ko kasi si Kuya dahil lagi kaming magkausap ni Kuya. Ang sabi niya, ‘Siguro, kung magiging senador ako, mas malalapitan ko mga government officials. Mas malalapitan ko ‘yung mga gabinete at ‘yung mga inirereklamo ng taumbayan sa gobyerno kasi senador na ako. Hindi na nila ako puwedeng dedmahin,’” ani Ogie.

“Madalas na nangyayari, Loi, kapag government official ‘yung inirereklamo eh si Kuya, hindi sinasagot.

“Hindi sinasagot kaya hindi nagiging balanse ‘yung talakayan ng reklamo ng isang netizen or ng isang ordinaryong tao sa isang government official kasi hindi siya hinaharap,” dagdag niya.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?