713

Nov 16, 2021 @ 20:29
By

Tulfo nanguna sa senatorial survey; Robin sokpa sa ‘Magic 12’

Paborito pa rin sa mga tumatakbong senador ang broadcaster na si Raffy Tulfo, batay sa bagong resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isinapubliko nitong Martes.

Sinundan siya nina Sorsogon Gov. Chiz Escudero at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

60 porsiyento ng 1,200 adult Filipino ang bumoto kay Tulfo sa pagka-senador, pangalawa si Escudero na may 51% at Cayetano sa 50%.

Pang-apat si House Deputy Speaker Loren Legarda na nakakuha ng 45% habang 44% si Senate Majority Leader Miguel Zubiri.

Nakapasok sa tinatawag na “Magic 12” sina dating Vice President Jejomar Binay (40%), Public Works and Highways chief Mark Villar (40%), Senator Risa Hontiveros (36%), dating senador Jinggoy Estrada (33%), Robin Padilla (29%), Noli de Castro (28%) at Senator Joel Villanueva (27%).

Isinagawa ang SWS survey noong October 20-23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?