64

Oct 25, 2018 @ 15:34
By

Tulfo, Dureza special envoy para sa China, EU

 

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kolumnistang si Ramon Tulfo, at peace adviser na si Jesus Dureza bilang special envoy para sa European Union at China.

Papalitan ni Dureza si dating Senate President Ed Angara at uupuan ang puwesto mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 31.

Samantalang si Tulfo naman ay sabak bilang special envoy for public diplomacy sa China sa loob ng anim na taon.

“The President said he wanted me to help him so I broached the idea of becoming a special envoy to China, which he approved,” pahayag ni Tulfo sa kanyang column sa Inquirer noong Oktubre 6.

“As special envoy to China, which pays only P1 per year, I could retain my public service program—Isumbong mo kay Tulfo—on dzRP, my bread and butter. Helping people is my passion,” parte rin ng pahayag ni Tulfo.

Samantala, may bago nang undersecretary ang Presidential Communications Operations Office sa katauhan ng PTV senior reporter na si Raquel Rodriguez Tobias.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?