382

Jun 10, 2019 @ 19:12
By

Tulfo brothers mahihirapang mag-aplay para sa police escort – PNP

Permanente na umanong aalisin ng Philippine National Police (PNP) ang security detail ng magkakapatid na Tulfo, ayon kay Chief Oscar Albayalde.

“There was already a decision to pull them out. If they want to re-apply, they can always re-apply but then there is no assurance that the application will be approved,” saad ni Albayalde.

Dagdag pa ni Albayalde, dadaan muli sa mahabang proseso ang pag-aaplay ng magkakapatid na Tulfo para sa police escorts.

Noong Hunyo 1 nang ipag-utos ng PNP ang recall sa police personnel na nakatalagang security aides nina Erwin, Ben at Raffy Tulfo at sa asawa ng huli na si Jocelyn.

Ito’y matapos bastusin ni Erwin sa “Tutok Erwin Tulfo” sa radyo si Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista matapos hindi ito magpaunlak ng interview.

Ipinag-utos din ng pulisya kay Erwin na isuko nito ang kaniyang mga baril dahil expired na ang kaniyang License to Own and Possess Firearm pero hindi pa tumutugon ang broadcaster.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?