1,761

Jun 11, 2019 @ 16:22
By

Tulfo brothers kakasuhan ng plunder ni Trillanes

Nagbabala si Senador Antonio Trillanes IV na magsasampa ng kasong plunder laban sa magkakapatid na Tulfo kaugnay ng P60-million ad deal.

“Sabi ko nga sa mga Tulfo walang prescription iyon. Plunder iyon maliwanag. Mawala lang sila sa pwesto kakasuhan ko ang mga ito,” ani Trillanes.

Magugunitang pinuna ng Commission on Audit noong 2018 ang posibleng conflict of interest sa Tourism deal dahil sa TV show ni Ben Tulfo lalabas ang mga ads, na kapatid ng noo’y tourism secretary na si Wanda Tulfo-Teo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?