26
bridge
By

Tulay sa Maguindanao, North Cotabato tinangkang bombahin

Sharing is caring!

Maagap na napigilan ng mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police ang tangkang pagpapasabog ng isang tulay na nagdurugtong sa North Cotabato at Maguindanao, kamakalawa.

Sa report na nakalap mula kay 34th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Lt/Col. Angelo Lutera, nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong pampasabog na inilagay sa nasabing tulay na matatagpuan sa Barangay Olandang Midsayap North Cotabato.

Agad na nagresponde ang mga sundalo kasama ang ilang tauhan ng Explosive Ordinance Disposal Team ng Philippine Army at naalis ang nasabing pampasabog.

Patuloy na naghihigpit ang mga militar at pulisya sa nasabing mga lugar upang maproteksyunan ang mga residente

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?