260

Nov 20, 2017 @ 14:21
By

Tulay na kahoy bumigay, 20 katao sugatan

Sugatan ang dalawangpung katao makarang maputol at bumagsak ang kanilang dinadaanang tulay sa barangay Pangpang Norte Mambusao Capiz kahapon ng umaga.

Sa ulat ng PNP alas-9:00 ng umaga kahapon habang tumatawid ang mga biktima sa tulay na yari sa kawayan ng bigla itong naputol, dahilang para bumagsalk ang mga ito sa ilog.

Rumesponde naman agad ang mga tauhan ng Mambusao Municipal Station at dinala ang mga sugatang biktima sa Mambusao District Hospital Mambusao Capiz.

Nagpapagaling pa sa ospital ang ilan sa mga sugatan habang ang iba ay agad ding pinalabas ng mga doktor matapos malapatan ng lunas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?