228

By

Tulay na bumagsak sa Zambo City, P12-M ang halaga – Benitez

Sharing is caring!

Nagkakahalaga ng P12 million ang ginastos sa pagpapagawa ng kahoy na tulay sa Zamboanga City kung saan bumagsak ang mga kongresista na sina Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez, Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.

Ibinulgar ito ni Benitez ilang araw matapos silang mahulog sa maruming tubig nang bumigay ang nasabing tulay sa Barangay Rio Hondo.

“Yung wooden bridge na nilakaran namin ay may cost na P12 million,” ani Benitez.

Bukod diyan, napag-alaman din ng kongresista na ang mga bahay na yari din sa kahoy na ipinatayo ng National Housing Authority (NHA) para sa mga Badjao ay mas mababa lamang ng P20,000 kumpara sa mga sementadong bahay.

“Ordinarily, ‘yung isang housing unit na tinatayo ng NHA sa lupa na semento umaabot ng P240,000 per unit. Dito sa house on stilts na ininspeksiyon natin, ang cost niya P220,000. Mas mura lang ng P20,000,” sabi ni Benitez.

Ayon kay Benitez, ang substandard na tulay at pabahay ang magiging sentro ng imbestigasyon ng kanyang komite sa pagbabalik ng sesyon ngayong Mayo.

Iimbitahan at pagpapaliwanagin dito ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng NHA at Department of Public Works and Highways.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?