92

Jun 14, 2021 @ 9:21
By

Tularan COVID response ng Cebu! Robredo nilektyuran si Inday Sara

Dapat gayahin ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang ginagawang pagkontrol ng Cebu sa COVID-19, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Robredo, nakababahala ang pagsirit ng COVID-19 case sa Davao City lalo’t mas kaunti ang populasyon nito kung ikukumpara sa ibang lungsod sa Metro Manila.

Sa pag-aaral ng OCTA Research, aabot sa 180 ang average na bagong kaso sa Davao kada araw, habang 168 naman ang daily average case sa Quezon City para sa period ng June 5 hanggang 11.

“So the mere fact na mas mataas siya, mas alarming iyon kasi mas kaunti ang kanyang population,” lahad ni Robredo.

Dito napansin ni VP Leni ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City, na dati ring nagkaroon ng pagsirit ng new coronavirus ngunit napababa na ito ngayong Hunyo.

Noong Pebrero ngayong taon ay lumampas sa 2,500 ang aktibong kaso sa Cebu City, sa huling datos ay nasa 37 na lang ang daily average case sa lungsod.

“Kasi kung titingnan mo ngayon na nagsa-spike na, sa Cebu parang controlled, ‘di ba? Parang controlled and marami ang ginawa. ang partnership doon hindi lang talaga LGU pero very active doon ang medical community,” lahad ni Robredo.

Ayon kay VP Leni, dapat ay matuto ang Davao — na pinamumunuan ni Mayor Sara Duterte-Carpio — sa ginagawa ng Cebu para makontrol ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

“So tingin ko ang mga lessons sa Cebu, ganoon din. Makakapulot ng aral ang Davao,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?