17

Nov 17, 2021 @ 12:01
By

Tulak tiklo sa Taguig

Isang hinihinalang drug pusher ang kalaboso matapos mahulihan ng 350 gramo ng shabu nitong Martes sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Omie Salik, na taga-Taguig.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng patrolya ang ilang miyembro ng Southern Police District (SPD) at nang dumaan sila sa New Lower Bicutan ay natyempuhan nila si Salik sa aktong nagbebenta ng shabu.

Nakumpiska mula sa kanya ang shabu na tinatayang nasa P2.380 milyon ang halaga.

Bukod dito, nakuha rin sa suspek ang isang timbangan, P5,000 at isang itim na sling bag.

Samantala, ang tao naman na nahuling pinagbebentahan ni Salik ay nakatakas at pinaghahanap na. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?