4

By

Tulak tiklo sa P300 halaga ng shabu

Sharing is caring!

Arestado ang isang kilalang tulak ng Barangay Hulo matapos ang ikinasang drug buy-bust operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa Mandaluyong City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police Disrtrict (EPD), nakilala ang suspek na si Roel Santos y Repla, 52-anyos, walang trabaho na pagtutulak ng droga ang pinagkakakitaan at residente ng 669 Coronado St, Barangay Hulo.

Ayon kay PSI Oliver Benald, hepe ng SDEU, ikinasa ang buy-bust bandang alas-12:45 Linggo, Setyembre 16 ng madaling-araw sa San Francisco St. Barangay Hulo matapos magpositibo ang pulisya na nagtutulak ng iligal na droga ang suspek.

Isang asset ang umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa suspek hanggang sa makabili ng halagang P300 na shabu at doon na nagbigay ng hudyat para maaresto ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu. Nabatid na kasama sa listahan ng drug watch list ang suspek at matagal nang minamanmanan dahil sa iligal na pagtutulak ng droga.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detetion cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?