15

Oct 9, 2021 @ 16:03
By

Tulak tiklo sa Oriental Mindoro

Himas-rehas ang isang hinihinalang drug pusher matapos mahuli sa isang buy-bust operation ngayong Sabado sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Kinilala ang suspek bilang si Pablito Aguilar, 50, anyos.

Ayon sa ulat, isang poseur buyer ang nakabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na may halagang P1,000 sa Barangay San Isidro.

Kaya naman doon na kumilos ang pulisya at siya’y dinampot.

Nakuha mula kay Aguilar ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P4,760.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?