5

May 2, 2021 @ 18:57
By

Tulak tiklo sa buy-bust

Nahuli sa buy-bust operation ang isang drug pusher nitong Linggo ng tanghali sa Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspect bilang si Wahab Sirad, 41, na residente ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay police master sergeant Tobias Bongon, Naga City police spokesperson, naaresto sa Barangay Bagumbayan dakong alas-12:30 ng tanghali ang suspect, kung saan nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet, o 10 gramo ng shabu.

Nagkakahalaga umano ang mga ito ng P32,000.

Dagdag pa ng pulis, si Sirad ay kabilang sa kanilang illegal drugs watch list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?