206

Aug 15, 2018 @ 16:30
By

Tulak tiklo sa buy-bust sa Pasig

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng illegal na droga sa ikinasang drug buy-bust operations, kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Jerico Lorenzo y Cruz, 27-anyos, walang trabaho at pagtutulak ng droga ang umanoy ikinabubuhay at residente ng 39 Sgt. Pascual, Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Nahuli si Lorenzo sa isinagawang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit na pinangungunahan ni Senior Inspector Alvin Perlas, bandang 10:00 kamakalawa ng gabi sa Bagong Ilog makaraang pagbentahan ng illegal na droga sa isang police poseur buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at P200.00 bilang buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?