39
views
crime
By

Tulak sa Maynila, itinumba ng pulis sa loob ng sementeryo

Sharing is caring!

Dead on arrival (DOA) sa ospital ang isang tulak ng droga matapos na mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation laban dito sa Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang nasawing suspek na si Alexander Dimalanta alyas Jojo na napatay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) station 3 matapos na manlaban sa buy-bust operation laban dito sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta Cruz, Maynila.

Dinala pa ang suspek sa Chinese General Hospital pero idineklara rin ito ng mga doktor na DOA.

Nabilhan ng poseur buyer mula sa MPD ang suspek ng P3,000 halaga ng shabu.

Narekober mula dito ang droga at buy-bust money money pati ang kalibre .38 baril na pag-aari nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?