12
arrested-marijuana
By

Tulak ng ‘tsongki’ sa QC, tiklo sa buy-bust

Sharing is caring!

Dinakip ng mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang isang tulak ng droga sa isang buy bust operation sa Barangay Kaunlaran sa Lungsod ng Quezon Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Sr. Insp Ramon Akyatan hepe ng QCPD Station 7-Drug Enforcement Unit ang suspek na si Juanito Fernandez III (22), residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek matapos na abutan ng P200 halaga ng marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer sa kanto ng Aurora Blvd. at Monte de Piedad St. sa Cubao.

Nakumpiska sa suspek ang 1/4 na kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P20,000 at ang buy bust money na P200.

Nakadetine na ang salarin sa QCPD-Station 7 at nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?