26

Jun 10, 2021 @ 13:36

Tulak ng shabu nadakip sa Quezon

Arestado ang isang lalaking itinuturing na isang big-time na tulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Jhaziel Garcia, 36-anyos.

Huli umano sa akto si Garcia na nagbenta ng shabu sa isang police agent at sa isang sibilyan na informant din ng mga awtoridad dakong alas-8:00 p.m. ng gabi.

Nakuha sa kanya ang 25.02 na gramo ng shabu na nakabalot sa limang sachet. Nagkakahalaga umano ang mga ito ng P170,000 sa tala ng Dangerous Drugs Board ngunit may halaga na P510,408 na street value.

Nasa presinto na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?