21
shabu1
By

Tulak ng shabu, huli sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Arestado ang isang kilalang tulak ng shabu sa ikinasang drug buy bust operations ng Mandaluyong Police, kamakalawa ng gabi sa Barangay Addition Hills.

Batay sa report, bandang alas 11:00 kamakalawa ng gabi nang maaresto si Nelson Yambao y Pallones, 35-anyos, at residente ng Block 36 Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Sa ikinasang buy bust operation ng Mandaluyong Police, nagpanggap si PO1 Pulintan bilang poseur buyer kung saan nakipag- transaksyon sa suspek at nakabili ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng halagang P300 pesos.

Bago pa matapos ang transakyon ay nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kayat pumalag ito na nag-udyok sa pulis na arestuhin na ito.

Kasalukuyang inihahanda ang karampatang dokumento para sa kasong paglabag sa RA 9165 Section 5 na isasampa laban sa suspek sa Mandaluyong Prosecutors Office. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?