61

Sep 24, 2019 @ 16:07
By

Tulak ng Sagad huli sa Pasig

Naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasig Police ang isang lalaki na naaktuhang nagtutulak ng droga matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer, Lunes ng umaga sa Barangay Sagad, Pasig City.

Batay sa nakalap na ulat mula kay PCol. Moises Villaceran, hepe ng Pasig Police, nakilalang suspek na si Romeo Flores Jr., 27-anyos na residente ng J. Feliciano Extension, Barangay Sagad.

Isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-sais ng umaga, Setyembre 23, 2019, sa kahabaan ng Feliciano St., Ext. Barangay Sagad, Pasig City.

Isang pulis ang nakipag-transaksiyon sa suspek para makabili ng shabu at nang ibibigay na ay doon na dinakma ang suspek at nakumpiska mula dito ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at dinala ang mga droga sa EPD-Crime Laboratory sa Mandaluyong City para sa drug test at laboratory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?