Shabu pAsay
By

Tulak ng Caniogan, arestado sa buy-bust

Sharing is caring!

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang isang talamak na tulak ng illegal na droga sa Caniogan matapos ang ikinasang drug buy bust operations, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at hinainan ng Search Warrant for Illegal Drugs laban kay Roberto Gonzales y Legaspi, alyas Obet, 40-anyos, may live in partner at residente ng 240 Dr. Sixto Ave., Barangay Caniogan, Pasig City.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operations ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit kasabay ng paghahain ng search warrant ng Intel operatives na inisyu ni Exec. Judge Danilo Cruz ng RTC 152, bandang alas 6:00 ng gabi sa Barangay Caniogan.

Nakipagtransaksyon ang isang pulis sa suspek bandang alas 4:00 ng hapon para bumili ng droga at nagtiwala naman ang suspek kaya pinapasok niya sa kanyang bahay at nang ibibigay na ang ‘epektus’ ay agad na dinakma ang suspek at inihain ang warrant laban sa kanya bilang talamak ng tulak ng droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng nasa .55 gramo na tinatayang nasa halagang P15,000.00.

Nabatid na si Gonzales ay kabilang sa listahan ng drug watch list ng Barangay Caniogan at kalalaya lamang mula sa Sablayan Penal Colony sa ilalim ng parole matapos makulong sa paglabag sa Sec. 11, RA 9165 o sa droga rin.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?