68
Abante-TnT-Teenager-na-tulak-nanlaban-sa-buy-bust-todas
Jun 20, 2018 @ 10:13
By

Tulak napatay, 5 pa tiklo sa buy-bust sa Bulacan

Isang tulak ng droga ang napatay makaraang manlaban sa pulisya habang limang iba pa ang nadakip makaraang magsagawa ng serye ng anti-illegal drugs operation ang awtoridad sa bayan ng Bulakan,San Ildefonso,San Miguel at San Jose del Monte City,pawang sa Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Senior Supt.Chito G. Bersaluna,Acting Bulacan police director,nakilala lamang ang napatay na pusher sa alias Kaliwa,residente ng Barangay Wawa,Balagtas na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at makuha sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre 38 rebolber at pitong medium size sachet ng shabu at buy-bust money.

Nakilala naman ang mga naarestong sina Enrique Bayan,42,may-asawa,karpintero ng Barangay San Vicente San Miguel;Aries Delos Santos alias Togo/Pilay,ng Barangay Maasim;Jiame Pastrana, 52 ng Barangay Laptnit,kapwa sa bayan ng San Ildefonso at ang magkapatid na Jerwin Aquino,28 at Leonardo,27,kapwa ng Graceville,San Jose del Monte City at nakumpiskahan din ang mga nadakip ng shabu at drugs paraphernalia.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na operatiba ng Bulakan Municipal police,Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Barangay Bambang,Bulakan at kumagat naman si alias Kaliwa ngunit nakatunog na pulis ang katransaksyon kaya nanlaban at napatay sa palitan ng putok habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan lulan ng motorsiklo.

Nadakip naman ang lima pang suspek sa serye ng operasyon laban sa droga sa San Ildefonso,San Miguel at San Jose del Monte City at dinala ang mga ito at nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Crime Laboratory Office(BPCL)-Malolos City upang sumailalim sa eksaminasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?