8

By

Tulak nanlaban sa parak, tinumba

Sharing is caring!

Patay ang isang drug pusher nang manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City nitong madaling araw.

Ayon kay Kamuning Police Station (PS 10) commander PSupt Louise Benjie Tremor, ang napatay na suspek ay nakilala lamang sa alyas Alan, nasa edad 35-40, may taas na 5’1″, nakasuot ng black T-shirt, red short pants, black bull cap, slippers at may mga tattoo ng ‘PUMA, CHRASEY, at LAN.’

Sa report, matapos na makatanggap ng tip ang Kamuning police sa pagtutulak ng droga, nagsilbing poseur buyer si PO1 Alvin Laranjo at ikinasa ang transaksiyon dakong alas-2:00 ng umaga sa Malakas Lane, kanto ng Matapang St., Brgy. Central.

Habang iniaabot ng suspek ang tatlong sachets ng shabu ay nakahalata umano ang una na pulis ang kanyang kaharap kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang parak na poseur buyer.

Dahil sa nakasuot ng bullet vest ang pulis ay hindi ito tinamaan kaya naman agad na rin siyang gumanti ng putok ng baril at duguang bumulagta ang suspek

Nasamsam sa crime scene ang 11 sachets ng shabu, isang cal. 38 revolver, tatlong live ammunition ng cal. 38 revolver, isang fired cartridge case, isang misfired ammunition ng cal .38, limang fired cartridge cases, dalawang disposable lighters at buy-bust money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?