dead-body
By

Tulak, nanlaban sa nagsisilbi ng arrest warrant, dedo sa Quezon

Sharing is caring!

Isang tulak ng droga ang nasawi matapos na mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi sana dito ng warrant of arrest sa Quezon Province gabi ng Martes.

Base sa inisyal na report, poposasan na sana ng mga kagawad ng Quezon Police si Alberto Lee (28,) matapos silbihan ng warrant sa mga drug case na kinakaharap nito nang bigla itong bumunot ng baril at paputukan ang mga umaaresto sa kanya.

Dahil dito, pinaputukan din ng baril ng mga pulis ang suspek na ikinasawi nito.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ni Lee na ngayon ay tinutugis na ng Quezon Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?