26

Dec 21, 2019 @ 14:15
By

Tulak na target ang mga nagsi-Simbang Gabi nasakote

Arestado ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Candelaria sa Quezon nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Angelo Galit, 33.

Dinakip siya matapos bentahan ng shabu ang isang undercover police sa Barangay Masin Sur dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Puntirya umano ng suspek ang mga nagtutungo para sa Simbang Gabi.

Nakumpiska kay Galit ang shabu na nagkakahalaga ng P12,172.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?