28

By

Tulak na nasa watchlist, timbog sa Pasig buy-bust

Sharing is caring!

Huli sa ikinasang buy-bust operation ang isang 36-anyos na lalaki kaninang madaling-araw sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Kasama sa listahan ng drug watchlist ang suspek na si Astrobal Cruz, walang trabaho at pagtutulak ng droga ang ikinabubuhay.

Ayon sa report, nalambat ang suspek bandang alas-12:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Mahogany Lane, Dela Paz, Barangay Caniogan matapos makipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer at bumili ng droga sa suspek.

Madali namang nakabili ang pulis kaya agad na nagbigay ng hudyat sa mga kasamahan na positibong nagtutulak ng droga ang suspek at doon na dinakma.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?